- Lyrics
- Album list
- Singer Intro
Juris Fernandez( Juris )
-
Hanggang Wakas
Kay tagal kong naghanap ng isang katulad mo Katuparan ng pangarap ang ako'y mahalin mo Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin Ngayon nagtatanong bakit bigla kang babawiin Kung kailan pa natagpuan pag-ibig na walang hanggan Saka naman puputulin ng isang mabigat na karamdaman
Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi Mamahalin pa rin kita Kahit na alam ko na mawawala ka Asahan mong pag-ibig ko'y wagas Tayong dalawa hanggang wakas
Huwag ka nang mag-alala na ako'y mag-iisa Pipilitin kong kayanin masakit mang tanggapin Find more lyrics at ※ Mojim.com Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin Ngayon di na magtatanong kung bakit babawiin Alam ko na ito'y paalam lang na pansamantala Balang araw ikaw rin at ako ay muling magkakasama
Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi Mamahalin pa rin kita Kahit na alam ko na mawawala ka Asahan mong pag-ibig ko'y wagas Tayong dalawa hanggang wakas
Asahan mong pag-ibig ko'y wagas Tayong dalawa hanggang wakas
-
|